Una sa Balita

Hindi ako cheap — Yam

0 393

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNaiyak sa tuwa, at sepanx (separation anxiety) ang dahilan kung bakit na­ging emosyonal si Yam Concepcion sa farewell presscon ng ‘Halik’ para sa tatlong nalalabing linggo nito sa ere.

Sa panayam namin kay Yam with Dondon Sermino para sa ‘Abantelliling’ last Thursday afternoon, sinabi ni Yam na biglang nagbalik-alaala sa kanya ang mga naging kaganapan sa kanya sa maraming buwan ng taping nila.

Ang laki ng naitulong sa kanya ng show para maramdaman niya ang kahalagahan niya bilang isang aktres, na noong una ay pinagdudahan niya kung makakaya na ba niyang tapatan ang husay ng mga kasama niya sa showbiz partikular na sina Jericho Rosales, Amy Austria at iba pa.

Naalala rin niya ang suporta ng mga kasamahan niyang artista sa kanya at pati na ang maganda nilang samahan.

‘Most hated woman’ ang bansag kay Yam, dahil sa karakter niyang si Jade, na isang malandi, ambisyosa at naging kabit. At lahat na ng mga masasakit na salita ay ipinukol na sa kanya sa social media.

Pero isa lang ang nagpaapekto kay Yam sa lahat ng pamba-bash sa kanya, at ito ay ang mga screenshot ng mga eksena niya sa unang movie niya na ‘Rigodon’ na nag­lalaman ng marami niyang nudity scene.

Nasaktan si Yam sa pangmamaliit ng mga tao sa kanyang dignidad at tila ipinapahiwatig na cheap siyang babae.

Sa mga hindi nakakaalam, nag-aral si Yam sa Assumption College mula elementary hanggang high school at sa college ay sa isang mamaha­ling unibersidad din siya pumasok.

Sabi nga ni Yam, hindi niya ikinahihiya ang ginawa niya sa ‘Rigodon’, pero huwag naman daw yurakan ang kanyang pagkatao, dahil role lang daw ‘yon sa pelikula.
“Hindi ako cheap na babae!” sabi ni Yam.

‘Pag natapos na sa ere ang ‘Halik’ ay magbabakasyon muna si Yam sa New York, at plano rin niyang mag-aral doon ng film acting.

 

Robin bad shot sa utol ni Liezl Sicangco

Nabuko ang hindi magandang samahan nina Ro­bin Padilla at ng kanyang dating bayaw na kapatid ng ex-wife niyang si Liezl Sicangco na si Khalid Sicangco. 

Ipinagmalaki ni Robin sa kanyang Instagram ang larawan ng isa pa niyang anak na si Zhen, na nagtapos ng filmmaking.

Sa comment ay big­lang may nag-nega sa post ni Robin at sinabing walang pakialam ang anak na ito ni Robin sa anak niya kay Mariel Padilla na si Isabella.

@c.assandra6564, “Ito ang anak mo na hindi man lang naalala si Isabella bilang kapatid nya booooo.”

Kinuyog ng mga supporter ni Robin ang bashe­r at kinastigo ito sa nakakairita nitong comment.

Sumagot ang basher at ibinunyag nitong inutusan sila ng bayaw ni Robin para i-bash ito.

@c.assandra6564, “@teamrobinpadillaglobal check @khalidsicangco ig kapatid nyan si liezel sya nag sabi sa amin na e bash si rp”.

Sa pag-search namin sa Instagram account ni Khalid, punong-puno ito ng mga larawan ni Robin. Sa unang tingin, parang isang die-hard fan si Khalid ni Robin, pero ang lahat ng caption sa mga larawan ng aktor ay pawang mga akusasyon kay Robin.

Punong-puno ng galit ang bawat caption ni Khalid sa mga larawan niya na patungkol kay Robin.

Wala ka­ming ideya sa pinag-ugatan ng suklam nito kay Robin, pero sa kanyang mga sa­lita may kinalaman ito sa hiwalayan noon ng kanyang ate Liezel (na ina nina Queenie at Kylie) at ni Robin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy