Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hindi ako buntis — Marian

0 365

Nagkaroon na nga ng pagkakataon na matanong at mahingan ng reaksiyon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa isyu ng buntis siya at kesyo nabuntis ng Mister niya na si Dingdong Dantes si Lindsay de Vera.

Nangyari ito sa naging zoom mediacon ng Walter Mart kunsaan, muling ni-renew ng naturang supermarket si Marian bilang celebrity endorser. At sa ikalawang taon nito, hindi na lamang siya, kasama na rin niya ang panganay na anak na si Zia Dantes bilang endorser.

As to the issue, kitang-kita naman sa aura ni Mrs. Dantes na hindi ito na-bother man lang at sey nga niya, tinawanan lang nila ni Dong.

“Wala nga e. Dedma lang ako,” natatawang sagot niya.

“Sabi ko, alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa. Sabi nga niya, nakita mo ba yung chismis sa akin? Sabi ko, oo, nakakatawa.

“Tawang-tawa talaga ko tapos niloko ko siya, sabi ko, ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis. Sabi ko, beke nemen, baka ako ang susunod diyan. Tapos tawa siya ng tawa.”

Sabi namin kay Marian, mukhang matatag na talaga sila ni Dingdong at wala nang isyu o pang-iintriga pa na pwedeng makasira o magpabuwag sa kanila.

“Well, siyempre, ayaw naming isipin ‘yan. Pero siyempre sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

“Malay mo, yung mga chismis-chismis na yan (na buntis siya), e, magkatotoo,” sey pa niya.

Pero dahil nagpakasal daw sila, alam nila kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang dalawa.

“Nagpakasal kami, humarap kami sa Panginoon. Sumumpa kami na sa hirap at ginhawa ay magkasama kaming dalawa, tutuparin namin yun hanggang sa nasa kabilang buhay kaming dalawa.”

Napa-Amen tuloy kami sa tinuran niya. Pero sa isang banda, bukod sa patuloy naman siyang napapanood sa Tadhana at sa non-stop endorsements niya, good news sa mga fans nila ni Dingdong ang nabanggit ni Marian na balik telebisyon siya this year, kasama pa rin si Dingdong na sa aming palagay, sa isang sitcom.

Kristoffer, Liezl magdyowa na

Marami ang medyo nagugulat sa Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa ginanap na zoom mediacon para sa “Babawiin Ko Ang Lahat”, ang bagong aabangang serye sa GMA-7 ngayong February 22.

Sobrang deep ni Kristoffer na parang seryoso ang approach sa lahat ng itinanong sa kanya. At dahil ilang araw na nga lang ay Valentine’s Day na, kaya medyo umikot din sa mga tanong tungkol sa love.

‘Yun nga lang, sa pagpapa-deep at haba minsan ng mga sagot ni Kristoffer, merong mga napapa-“ano raw?” ang press sa kanya. Pero dahil kilala namin ito kahit noon pa, hindi na kami nagulat dito. Ever since naman, pa-deep si Kristoffer mas todo nga lang ngayon.

Na-appreciate naman namin ang sagot niya nang tanungin namin tungkol sa co-star niya sa Babawiin… na si Liezl. May chika kasi na nagkaka-debelopan sila sa lock in taping at may something special going on between them.

“Naging close talaga kami and we talk about stuff. We really talk talaga. So kung ano man ang deeper meaning no’n, I’ll gonna talk in-behalf of Liezl kasi, ayaw na rin niyang magsalita.

“We talk. We understand and do’n ko na yun iiwan.”

Agree naman siya na open-ended ang sagot niya tungkol sa kanilang dalawa.

Kamakailan lang nang mag-come-out si Kristoffer na isa ng ama ng kanyang baby girl sa dating karelasyon. Pero base sa sagot niya, hindi na kami magugulat if he has found a new love again?

Sa Valentine’s Day nga raw, may pinaplano siya pero hindi niya sasabihin kung ano. Basta para sa kanya ang Valentine’s Day ay dapat na espesyal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.