Una sa Balita

Hindi ako bisexual ­— Khalil

By
Khalil Ramos
0 1,898

Pagkatapos na ma-experience ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang mga malalaswang tanong sa kanyang Ins­tagram ­Stories, ang la­test na pinagpistahan naman ay ang singer-­actor na si Khalil Ramos.

Sa kanyang pinost na Instagram Story, tinanong siya ng isang netizen tungkol sa kanyang sexuality. Kung bisexual daw ba siya?
Marami kasi ang napabilib ni Khalil noong gumanap siya bilang isang kloseta or ­closeted gay sa 2016 coming-of-age indie film na “2 Cool 2 Be 4gotten”.

Heto ang ­naging sagot ni Khalil sa ­bisexual issue:
“Been getting a lot of questions about my gender identity and some are quite offensive (not including the one above). To clear it out, I am straight. No BS. No showbiz. But I do support the fight for gender equality!”

Tinanong naman siya ng isang netizen kung meron ba siyang girlfriend?

Sagot niya ay: “Sikretong ­malupet, di pwedeng ibulong”.

Nali-link kasi ngayon si ­Khalil sa Kapuso actress na si ­Gabbi Garcia.

Parati silang naki­kitang magkasama sa mga event at si ­Khalil nga raw ang dahilan kung bakit nabuwag na ang love­team ni Gabbi kay Ruru ­Madrid.