Una sa Balita

Hinatulan ng ‘life’, nagbigti

By
0 246

Hindi na hinintay pa ng isang 52-anyos na inmate na dalhin siya sa National Bilibid Prison (NBP) para pagdusa­han ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo ng Manila Regional Trial­ Court (MRTC) Branch 31 dahil mas pinili nito na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda kahapon ng madaling-araw sa Manila City Jail (MCJ).

Sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), wala nang buhay nang nakita ang biktimang si Edwin Lim alyas Golem, huling nakatira sa 107 Int.6 Loreto St. Sampaloc, Maynila dakong alas-singko ng umaga sa inmate Dormitory 7, Kubol #14 ng MCJ.

Nalaman na bago ang ginawang pagpapakamatay ng biktima noong Lunes (Agosto 8) , hina­tulan ni MRTC Branch 31 Presiding Judge Maria Sophia Solidum-Taylor ang biktima na ‘guilty beyond reasonable doubt,’ sa dalawang kaso ng paglabag sa RA 9165 o “Possession of Dangerous Drugs.” Bukod dito, inatasan rin ng hukom ang biktima na magmulta ng P.8 milyon.

Hinala ng kapwa inmate ng biktima na labis na naapektuhan ang biktima sa desisyon ng korte kaya bago pa man mailipat sa NBP, minabuti nito na magpakamatay na lamang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy