Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hinalikan ang nakasabay sa jeep

0 19

Nangyari ‘tong panaginip ko bago pa mag-pandemic, pero ngayong nakakasakay na ko uli sa jeep dahil balik na sa office, naalala ko na naman at gusto ko sanang malaman kung ano ang kahulugan.

Ganito kasi, nagsimula ‘yung panaginip ko habang nakapila daw sa jeep terminal papasok sa work. May nakasabay ako na ka-work pero medyo nasa harap siya ng pila. Nagmamadali daw ako kaya sa haba ng pila para makasakay agad lumapit daw ako sa ka-work ko na una sa pila, tapos hinalikan ko siya sa pisngi tapos sa leeg. Hindi daw siya nakagalaw nun tapos ayun ako na ‘yung sumakay sa jeep na dumating, tapos naiwan na lang siya nakatunganga. Pakiramdam ko daw nun ang lakas ko, pero hindi ko na rin nakita kasi ‘yung ka-work ko na ‘yun dahil hindi naman talaga kami nag-uusap kaya nagtataka ako bakit siya lumabas sa panaginip ko.

– Remy

Naging common na ang paghalik sa ating panaginip dahil sa malaking bahagi ng ating buhay ay narararanasan natin ito, maaaring mula sa ating pamilya, kaibigan, o partner. Para sa iba, simbolo ito ng ating pagmamahal para sa isang tao.

Pero sa panaginip, posibleng iba ang kahulugan ng paghalik, kailangang matukoy mo kung sino, aling bahagi ng katawan mo siya hinalikan at anong uri ng halik ang ginawa mo.

Dahil sa panaginip mo ay kilala mo naman ang taong hinalikan mo, pero tila hindi kayo close at magkakilala lang dahil sa trabaho, posibleng sinasabi nito na lihim kang may pagtingin sa kanya. Kung wala ka namang interes sa kanya, ibig sabihin nito may mga aspekto ng buhay mo na hindi ka komportable.

Kung sakaling hindi talaga kayo magkakilala at hinalikan mo ang isang tao sa panaginip, posibleng mangahulugan ito na pakiramdam mo’y may nawawala sa iyong buhay.

May kahulugan din kung aling bahagi ng katawan niya ang hinalaikan mo, kung ito ay sa pisngi ibig sabihin nito ay hinahangaan mo siya o nagpapakita ito na kaibigan o loyal ka sa isang tao. Kung sa leeg naman, sinisimbolo nito ang iyong pagnanasa sa kanya.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.