Una sa Balita

Hinaharang sa checkpoint, magsasaka umalma

0 451

Ilang magsasaka na ang nagreklamo matapos umano silang mahirapang makadaan sa checkpoint sa bayan ng Pagsanjan at iba pang karatig-bayan sa Laguna kahit pa may bitbit silang food pass mula sa Department of Agriculture.

Kasabay nito ay agad na nanagawan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng local government units (LGUs) na payagang makadaan sa mga checkpoint ang mga magsasakang nagsu-supply ng kanilang mga gulay sa Calabarzon at kalakhang Maynila sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng guidelines, nilinaw ng PNP sa gitna ng ipinatutupad na lockdown na malayang makabibiyahe ang mga may dalang pagkain o supply ng basic goods.

“Tayo ay nananawagan sa LGUs na tayo po ay may basic guidelines sa Inter-Agency Task Force na ‘di dapat baliin,” pakiusap ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang head ng Joint Task Force Coronavirus Shield.

Nag-ugat ang hirit ng PNP matapos umalma ang ilang magsasaka sa Kalayaan, Laguna na sinasabing gipit silang makalusot sa checkpoint.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More