Una sa Balita

Pinagkaisahan ako nina Morales, Sereno

By ,
0 4,960
Duda si House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia sa ‘timing’ ng inilabas na dismissal order ng tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban sa kanya na may kinalaman ito sa pagiging aktibo niya sa impeachment hearing laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
 
“The timing is rather suspect. It does seem as though as the Ombudsman has singled me out. An act that was done when I was still governor several years ago, you’d rather wonder whether this was purposely done. As you saw, I’m very active in this impeachment hearing against Chief Justice Sereno,” pahayag ni Garcia kahapon. 
 
Ipinag-utos kasi ng Ombudsman ang pagsibak kay Garcia at pinatawan pa ito ng habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng puwesto sa gobyerno, kanselasyon ng eligibility at pagbawi sa kanyang retirement benefits.
 
Nag-ugat ang kaso sa Balili property na matatagpuan sa Tinaan, Naga, Cebu kung saan nag-public bidding ang lokal na pamahalaan noong panahon na gobernador pa si Garcia para sa supply at delivery ng mga panambak para sa lumulubog na bahagi ng Balili property na may mga nakatanim na mangrove o bakawan.
 
Napatunayan umanong nagkaroon ng iregularidad sa nasabing proyekto dahil walang pahintulot ng Sangguniang Panlalawigan ang pagpasok ni Garcia sa kontrata.