Una sa Balita

Hillary nabunutan ng tinik

By ,
0 3

Nakahinga na ng maluwag at nabunutan ng tinik ang kampo ni Democratic standard bearer Hillary Clinton sa muling pag-absuwelto sa kaniya ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kasong kriminal kaugnay sa kontrobersyal na mga e-mail.

Ayon sa ulat, sinabi ng communications director ni Clinton na si Jennifer Palmieri, noon pa man ay kampante silang walang bago sa pangalawang imbestigasyon ng FBI.

Gayunpaman, aminado ang ilang miyembro ng partido na nagdulot na ng pinsala ang kontrobersiya sa kampanya ni Clinton.

Abante Hiring – IT dep

Base sa internal polling ng partido, ilang independent at Republican voters ang umatras ng suporta kay Clinton, matapos ianunsyo ng FBI noong nakaraang linggo na panibagong imbestigasyon ang ginagawa laban sa dating Secretary of State.

Ngunit kahapon ay inanunsyo ng FBI na batay sa isinagawang review sa e-mails ni Clinton, walang nakitang bago at ang iba ay pareho lang sa mga e-mails na dati na nilang siniyasat.