Una sa Balita

Hiling ng mga fan: Piolo, Derek, Dingdong pagsamahin sa pelikula

0 760

Ni: Rose Garcia

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga netizen nang makita ang bagong TVC ng Dunkin’ Donuts. Ang lakas ng campaign ng naturang brand ng donuts dahil bukod sa matagal na ang dalawang kilalang celebrity endorser nito na sina Derek Ramsay at Piolo Pascual, aba e, ang bago nilang kasama ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Nakakatuwang tingnan ang tatlo na sa isang endorsement pala ay posibleng magsama-sama. Mga sikat na actor ngayon, not to mention, mga in-demand endorser.

Karamihan sa mga comment na nabasa namin, natutuwa na kasama na si Dingdong. Bakit daw nga­yon lang naisip to think na bagay raw sa initial nito na DD. At sana raw, maisipang pagsamahin ang mga ito sa isang pelikula naman.

Bongga ang pasok ng 2019 kay Dingdong na may primetime series pa rin na Cain at Abel at Amazing Earth sa GMA-7 at mara­ming movie na naka-line-up kabilang na ang gagawin niya sa Viva at sa Star Cinema.

Alam din namin na may naipangako na malaking primetime series sa kanya this year, so kung sakali, si­gurado na magiging napa­kaabala ni Dingdong nga­yong 2019 habang ang misis niya na si Marian Rivera ay siguradong mamamahinga ng ilang buwan pagka-panganak nito sa kanilang ikalawang anak, which is, their baby boy.

Julie ayaw maging kaibigan si Benjamin

Hindi na kami nagulat kung mabilis na “NO” ang sagot ni Julie Anne San Jose sa tanong kung friends o nauwi naman sila sa friendship ni Benjamin Alves.

Bago pa mag-Christmas kumalat ang balita na break na sina Julie Anne at Benjamin.

Ngayon, tahasan nang inaamin ni Julie Anne na single na siya at last year pa. May kutob kami na hindi na isi-share ni Julie kung bakit nauwi sa hiwalayan ang tila tamis-tamisang relasyon naman nila dati.

Pero yun nga, kung tama ang ilang kuwentong nakararating sa amin, bad break-up sila o malabo pang mauwi sa pagiging magkaibigan sa ngayon.

Nang kamustahin si Julie kung okay naman ito, nakangiting, “I’m okay and better” ang sagot niya. Busy rin naman kasi ang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa mga regular shows niya sa Kapuso network tulad ng Sunday PinaSaya at Studio 7 at may mga tours pa. Bukod pa sa pipirma itong muli ng renewal of contract sa Universal Records.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy