Una sa Balita

Hiling ng mga fan: Alden, Maine pagtambalin sa ‘Descendants of the Sun’

0 657
 
abante-i-know-better-jun-nardo

 

Hindi nakalimot si Alden Ri­chards na magbigay ng pasasalamat sa entertainment press dahil matapos ang bakasyon sa Japan at harapin ang u­nang trabaho last Dec. 31, 2018 at January 1, 2019, ina­yos ang kanyang schedule upang tuparin ang pa­ngakong pasasa­lamat sa press.
 
Sa tanda namin, bukod sa Bautista family – Herbert, Hero at Harlene – si Alden lang ang celebrity na naglalaan ng araw ng pasasalamat sa entertainment press.
 
After Victor Magtanggol, tanging Sunday Pinasaya at Eat Bulaga muna ang trabaho ni Alden. Eh nang ilabas ng GMA Network ang lineup ng shows for 2019 at isa na rito ang Pinoy version ng Korean war drama na Descendants of the Sun bumuhos ang panawagan na silang dalawa ni Maine Mendoza ang gawing bida, huh!
 
Bukod kina Alden at Maine may request din ang fans nina Dennis Trillo-Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez-Carla Abellana na ang idolo rin nila ang gawing bida sa Pinoy Version ng K-drama.
 
***
 

Kris bilib sa kutis ni Maine

 
 
Hinangaan ni Kris Aquino ang skin ni Maine Mendoza. Inihayag niya ito sa block scree­ning niya ng Jack Em Popoy nitong nakaraang mga araw.
 
“Kay Maine, her skin is so beautiful. Ang kinis, di ba? Pinkish” saad ni Kris  sa mga dumalo sa screening.
 
Tinapos na rin ng Queen Of All Media ang isyu sa kanila ni Vice Ganda nang ipakita niya sa kanyang Insta­gram ang palitan ng text ng anak na si Bimby at Vice. Gusto ng bata na magpa-block screening ng entry ni Vice pero wala ang ko­medyante sa date na gusto ni Bimby.
 
“Stop bullying us. Mali kayo!” pahayag ni Kris sa issue nila ni Vice.
Matapos tuldukan ang intriga sa kanila ni Vice, ang pagsagot sa paratang ng dati niyang staff na si Nicko Falcis ang hinarap niya.
Sa live interview ni Kris sa social media, sagot niya sa dating katrabaho, “Hindi ako galit sa ‘yo pero harapin mo naman kahat ng kaso mo.”

 

Sa totoo lang, kung “fasting” si Sharon Cuneta sa social media, alive na alive naman si Kris, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy