Una sa Balita

Hilig sa move on: Imee sablay sa VFA hirit

0 543

MATAPOS humirit na mag-move on na sa usapin ng ­Visiting ­Forces Agreement (VFA), pinitik ni Sen. Panfilo Lacson si Sen. Imee Marcos at iba pang senador na nagsasabing kalimutan na ang isyu ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing tratado ng Pilipinas at Estados Unidos.

“I think that’s too premature. Kasi ang pinag-uusapan dito concurrence lang o participation ng Senado. ‘Di pa natin sinasabing kung dudulog tayo sa SC para liwanagin ang usapin na ‘yan, siguradong ide-deny namin ang abrogation,” giit ni Lacson.

Sinabi pa ng chairman ng Senate committee on national defense and security na hindi pa bumibigay ang Senado sa ginawang pagbasura sa VFA.
Ito’y dahil sa pana­naw ng marami na kailangan ang approval ng Senado para tuluyang mabasura ang VFA.

“Ang pinag-uusapan pa lang, ano ang papel ng Senado sa abrogation in the same ­manner na may papel ang Senado sa ratification. Hindi pa natin pinag-uusapan ano magiging boto ng Senado. Malay mo, maski mag-rule halimbawa may ruling ang SC na kailangan ng concurrence ng Senado, 2/3 vote para ma-abrogate, it doesn’t follow na ide-deny namin ang ginawang abrogation ng Pangulo,” paliwanag ni Lacson.

“Kaya masyadong premature ang statement na move on, huwag na natin i-question sa SC. Ang kinukuwestyon natin dito ang karapatan ng Senado. Hindi pa naman ang pagboto. Magkaiba ‘yan,” dagdag ni Lacson.

Matatandaang ang katagang move on din ang ginamit ni Imee sa mga taong kumukuwestyon sa tagong yaman ng pamilya ­Marcos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More