Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hiker, hinigop ng dagat

0 148

Patay ang isang binatang bakasyunista matapos malunod sa tabing dagat sa General Nakar, Quezon Linggo ng umaga.

Kinilala ng General Nakar police ang biktima na si Crisostomo Buscano Jr., 33, residente ng Taytay, Rizal.

Sa report, dumayo ang grupo ng biktima sa Barangay Umiray para mag-hiking, trailing at camping.

Bandang alas 9:00 ng umaga, habang nagpapahinga sa tabing dagat, naligo ang biktima at mga kasama nito. Ilang saglit lang ay tinangay ng malakas na agos at malalaking alon ang biktima patungo sa malalim na bahagi.

Sinubukan itong sagipin ng mga mangingisda subalit wala ng buhay nang ito ay matagpuan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.