Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit P2M dinale : Biado hari sa US Open

0 34

Muling lumabas ang tikas ni former world No. 1 Carlo Biado nang maghabol at masingitan pa si Aloysius Yapp ng Singapore, 13-8, at sungkitin ang titulo ng $300K 44th US Open (Men’9-Ball) Pool Championship 2021 sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Bumalikwas ang 37-year-old, La Union native pero Quezon City resident nang cue artist mula sa 3-8 down upang kumpletuhin ang come-from-behind victory sa race-to-13 finals at isubi ang $50K (P2.5M ) top purse sa 253-player, six-day cuefest.

Iyon ang pangsiyam na panalo ng Pinoy cue artist sa torneo na dumaan pa sa loser’s bracket sa qualification, pero pagkaraan nanalasa patungo sa tagumpay, ikalawang Pinoy na naghari sa World Pool-Billiard Association event makalipas ni Efren ‘Bata’ Reyes noong 1994 sa Holiday Inn, Chesapeake, Virginia.

Sinorpresa muna ni 27th seeded Biado sa semifinals si ninth seeded Oi Naoyuki ng Japan, 11-9; ginimbal sa quarterfinals ang kapwa Pinoy na si 19th seed Johann Chua, 11-10; at niresbakan sa Last 16 si sixth seeded David Alcaide ng Spain, 11-10.

Pinagtitibag muna sa section 6 round 1-2-3 sina home bet unseeded Steve Fleming, 9-2; Vincent Baurivage ng Canada, 9-3; at Mika Imonen ng Finland, 11-1.

Piinigil si Biado sa fourth round ni Alcaide, 5-11, pero bumalikwas sa loser’s section round 6-8 sa pagwalis kina Daniel Schneider ng Switzerland, 11-8; kababayang Jeffrey De Luna, 11-6; at ginulantang si eight seeded Jayson Shaw ng Scotland, 11-8.

“I’m very happy because winning this event is one of my dreams,” bulalas ng dating caddie sa Villamor Golf Club sa Pasay.

Nakasya si 32nd seeded Yapp sa $25,000 na nag-finale sa pagyanig kay 29th seeded Pinoy Dennis Orcollo sa Final Four, 11-6. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.