Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit P1B taklobo nasamsam sa Palawan

0 175

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang awtoridad ang 200 toneladang taklobo na nagkakahalaga ng may P1.2 bilyon sa isinagawang operasyon sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan, kamakalawa.

Ayon kay PCG District Palawan Commander, Commodore Genito Basilio, ito ang pinakamalaking huli ng iligal na taklobo sa lugar.

Arestado rin ang mga suspek na nakilalang sina Rey Cuyos, 54 ; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 48; at and Erwin Miagao, 40.

Dinala ang apat sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD). Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Nalaman na nakatanggap umano ng impormasyon ang PCG, kaugnay sa iligal na aktibidad ng grupo kaya ikinasa ang pagsalakay sa imbakan ng mga Taklobo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.