Una sa Balita

Higit 600 deboto sinaklolohan ng Red Cross

By
0 264

HIGIT sa 600 na mga deboto ang binigyan ng first aid ng Philippine Red Cross (PRC) habang ginaganap ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno kahapon.

Naitala ang naturang bilang ng PRC dakong alas-11:00 nang umaga at inaasahang madadagdagan pa ito habang pinuprusisyon pa ang Itim na Nazareno pabalik ng Quiapo Church.

Sa nasabing bilang, apat umano ang may mala­lang kaso dahil sa malalim na sugat, hirap sa pag­hinga at pagkahilo.

Isa pang deboto ang isinugod sa hindi binanggit na ospital dahil sa hindi pa mabatid na sakit.

Nagsimula ang Traslacion dakong alas-5:03 nang umaga sa Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church.