Una sa Balita

Higit 500 naki-Laro’t Saya sa Davao, Tagum — Quintos

0 267

MATAPOS ilunsad sa Metro Manila ay inilunsad na din ang Laro’t Saya sa Parke (LSP), isang park-based program ng Philippine Sports Commission sa dinarayong lugar ng Tagum City at Davao City nito lamang Abril 13 at 14.

Umabot sa mahigit 500 ang dumalo sa kada linggo na aktibidad na para sa lahat ng edad at iba’t ibang antas sa buhay na nagpapakita na ang LSP ang totoong grassroots sports program na nakatuntong sa masa.

Ang family-oriented at community-based physical fitness program ay tinatampukan ng zumba, arnis, athletics, badminton, basketball, boxing, chess, football, frisbee, futsal, gymnastics, karatedo, lawn tennis, muay thai, sepak takraw, table tennis, taekwondo, volleyball at iba pang popular na sports na itinuturo ng libre kada weekend.

Nito lamang unang linggo ng Abril ay muling inilunsad ang LSP sa Visayas partikular sa siyudad ng San Carlos, Dumaguete at Sipalay na kasabay sa Quezon City, San Juan at Luneta.

Isang inisyatiba sa ilalim ng Sports for All program ng PSC, ang Laro’t Saya sa Parke ay kilala din bilang Play and Learn Sports for free na nakatuon sa pamilyang Pilipino na makilaro at makisaya habang namamasyal sa parke kasama ang bawat miyembro kada weekend.

“It is actually overwhelming to see the excited faces of families that really look forward to weekends for this activity,” sabi ni Ms. Alona Quintos sa PSC Hour radio show. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy