Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit 4K migrante natodas, nawala sa dagat

0 211

Itinuturing na pinakamapanganib ang taong 2021 para sa mga migrante na nais takasan ang sarili nilang bayan at manirahan sa ibang bansa dahil sa digmaan at iba pang dahilan.

Ayon sa ulat ng Caminando Fronteras, isang Spanish non-governmental organization, mahigit 4,400 migrante ang nasawi habang naglalayag patungong Spain nitong nakaraang taon.

Mataas umano ito ng 103% kaysa naitala noong 2020 na 4,404 migranteng nasawi kung saan ay kalalakihan ang karamihan sa namatay habang 628 naman ang kababaihan at mahigit 200 ang mga batang pumanaw.

Sinabi pa sa ulat na pinakamaraming namatay mula sa mga migranteng naglayag sa karagatan mula Western Africa patungo sa Canary Islands.

Karamihan umano sa mga insidenteng ito ay nawala at hindi na matagpuan ang mga bangkang sinakyan ng mga migrante samantalang may mga bangkay naman na nakita na lamang sa Caribbean.

Leave A Reply

Your email address will not be published.