Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit 2K aktibong COVID case sa PNP

0 318

Sumampa na sa 2,068 ang aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) nang maitala ang panibagong 185 na kaso, habang isang pulis pa ang nadagdag sa mga nasawi.

Base sa ulat ng PNP Health Service Sabado ng gabi, isang 45-anyos na lalaking pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang bagong casualty sa hanay ng kapulisan, sa pakikipaglaban sa COVID-19, dahilan upang umabot na sa 37 ang mga pulis na namatay sa nasabing sakit.

Sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 14,283 ang mga pulis na tinamaan ng COVID-19 habang nasa 12,178 sa mga ito ang gumaling na sa nasabing sakit. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.