Una sa Balita

Higit 24,000 katao inilikas sa pagsabog ng Taal – NDRRMC

0 328

Umabot na sa 5,458 na pamilya o katumbas ng 24,508 na indibiduwal ang nailikas sa Batangas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Base sa pinakahuling Situationers Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes ng hapon, mula sa nabanggit na bilang ay mahigit 7,000 katao o katumbas ng 966 na pamilya ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 75 evacuation center sa mga bayan ng Lian, Alitagtag, San Nicolas at Sto. Tomas.

Kasunod nito, nananatiling walang kuryente ang nasa pitong bayan ng Lipa, Tanauan, Lemery at Laurel sa Batangas gayundin sa bayan ng Amadeo at Tagaytay City sa Cavite.

Samantala, kinumpirma naman ni Batangas Vice Mayor Mark Leviste na pinagtibay ng sangguniang panlalawigan na ideklara na ang state of calamity sa kanilang lalawigan para agarang magamit ang kanilang calamity fund. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More