Una sa Balita

Higit 1K tsuper iskolar aarangkada sa Soccksargen

0 273

Umaabot sa 1,496 ‘tsuper iskolar’ ang makikinabang sa inilaan na P23-milyong piso ng Department of Transportation at Technical Education and Skills Development Authority para sa scho­larship program sa Region 12 (Soccksargen).

Ayon kay TESDA Director General Isidro Lapeña, nasa first batch pa lamang ang nasa 1,496 scholars at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga aplikante para maging benepisyaryo ng rehiyon sa public transportation at marginalized sector.

Nabatid na ang “Tsuper Iskolar” program ay ginawa para sa mga transport worker na naaapektuhan ng public utility vehicle modernization na kung saan ay prayoridad ang mga miyembro ng indigenous Peoples, dating overseas Filipino worke­r, at maging sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kabilang sa mga iskolar ay manggagawa ng transport company o sa korporasyon at miyembro ng transport cooperatives, mga driver at asosasyon ng mga operator na kinikilala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Office of Transportation Cooperative at Land Transportation Office.

Sa ilalim ng programa, ang mga iskolar ay mabibigyan ng skills training, skills assessment, entrepreneurship training at support fund na P350 kada training day kasama ang pagkain at pamasahe para sa 35-araw na pagsasanay. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy