Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit 12K taga-Surigao lumikas kay ‘Auring’

0 72

Nagsagawa na ng paglikas sa mga residente ang provincial government of Surigao del Sur bago ang pa mag-landfall ang Tropical Storm ‘Auring’.

Ayon kay Surigao del Sur Governor Ayec Pimentel nasa mahigit 12,700 na residente ang kabilang sa ginawang pre-emptive evacuation sa 12 munisipalidad.

“Pasalamat ako sa mga tao namin, automatic sila, ‘pag sinabing mag-evacuate, nag-evacuate talaga sila walang sapilitan,” sinabi ni Pimentel sa panayam sa radyo.

SM food to go Banner Ad

Nasa 30 evacuation center umano ang mga residente.

Dagdag pa ng gobernador, ilang bahay na sa Tandag City ang nasira dahil sa malalakas na hangin dulot ng bagyo.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa eastern coast ng Caraga Region at tatawid sa Visayas at Mimaropa hanggang sa Lunes. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.