Una sa Balita

Higit 100 todas sa nakalalasong alak sa India

0 544

Higit sa 100 katao ang patay at marami ang naospital matapos makainom ng nakalalasong alak sa India.

Ang mga namatay, karamihan ay mula sa estado ng Uttar Pradesh at Uttarkhand, ay naitala sa nakalipas na tatlong araw.

Hinala ng mga awtoridad, nasobrahan ng methanol ang moonshine, isang homemade na alak sa India. Ang methanol ay isang toxic substance na ginagamit bilang anti-freeze.

Ininom daw ang alak sa isang lamay sa Haridwar, kung saan 36 ang namatay dito at 18 ang isinugod sa ospital.

Ang ibang stock ng alak ay dinala naman sa Utter Pradesh kung saan 69 katao naman ang namatay dito.

Dalawang katao na ang inaresto na posibleng may kina­laman umano sa pagpapakalat ng nakalalasong alak.

Nakadama umano ng pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon ng liver infection at problema sa respiratory system ang mga nakainom ng nakalalasong alak.

Noong Disyembre 2018, marami din ang namatay sa Pilipinas matapos makainom ng lambanog na nahaluan ng sobrang methanol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy