Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Higit 100 na lang sapol ng virus sa NCR

0 151

Nasa ‘very low risk’ na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) matapos makapagtala na lamang ng 105 bagong kaso ng COVID-19 kada araw simula Disyembre 1 hanggang 7.

Ayon sa pinakahuling ulat ng OCTA Research Group Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nakapagtala na lamang rin ang rehiyon ng reproduction number na 0.34 sa nasabing mga petsa na bahagyang mas mababa sa 0.35 na naitala noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5.

Nakapagtala rin naman ang NCR ng positivity rate na 1.1%, na pasok sa benchmark ng World Health Organization (WHO) at ng Center for Disease Control and Prevention (CDC). ­(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.