Una sa Balita

Higit 100 entry sisiyapol sa LPC

By
0 452

NAKALISTA ang higit 100 entries sa Las Piñas Coliseum kaugnay ng “Roy and Ryan Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayon, Sabado, Marso 2 umpisa alas-10 ng umaga.

Ito ay dahil sa magandang premyong P60,000 kung saan tatanggap agad ng P1,000 ang unang 20 winners at P15,000 sa may tatlong panalo (hati-hati).

Para sa fastest win champ ang P10,000; second, P5,000; third, P3,000; fourth, P2,000; fifth, P3,000 at sixth, P2,000.

Naghahanda rin ang mga smalltime cocker at hackfight enthusiast sa “Happy Birthday Papa Mayor­ 3-Cock Derby” sa Mar. 13, mula sa promosyon ni Budjit Aguilar.

May cash prize ito na P400,000 at entry fee na P4,400.

Sa April 24 naman ang palaban ni coliseum manager Alex Tobias, ang “Boss A Summertime 4-Cock Derby”.

Sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) at 0915-3582076 (Julius).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy