Una sa Balita

Highway sa CamSur binara ng landslide

By
0 948

Mahigit sa 100 sasakyan na patungo at palabas ng Bicol ang na-stranded matapos ang naganap na landslide at matabunan ang kalsada sa Andaya National Highway sakop ng Brgy. Comadaycaday sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur, kahapon ng umaga.

Base sa abiso ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office ng Camarines Sur, pasado alas-sais ng umaga nang bigla na lang gumuho ang lupa at tumabon sa kalsada sa nabatid na lugar dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Dahil sa pangyayari ay walang anumang sasakyan ang nakadaan sa nasabing kalsada dahilan ng pagkabuhol-buhol ng trapiko, agad ding nagdeklara ng road closure ang local go­vernment unit (LGU) ng Del Gallego.