Una sa Balita

High value target na Cebuano timbog sa 3.5M droga

0 304

Isang Cebuano na tinuturing na high value target ang nadakip kasabay ng pagkakasabat ng P3.5 milyong halaga ng shabu kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation na si Niño Obeniata Cabiso, 37, nakatira sa Sitio Tugas, Brgy. Pardo.

Sa nakalap na ulat, base na rin sa report ni Pardo Police Station Police Maj. John Kareen Escobar, napag-alamang isa ang suspek sa high value target sa lugar.

Nasabat dito ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalagang P3.5 milyon.
Ang suspek na nakapiit na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More