Una sa Balita

High school student namaril ng kaklase sa Kentucky, 2 patay

By
0 2,145

ISANG tinedyer ang namaril sa isang eskuwelahan sa Kentucky nitong Martes, kung saan dalawang estudyante ang napatay habang nasa 20 ang sugatan sa pinakabagong insidente ng mass shooting sa Estados Unidos.

Nasa kustodya na ng pulisya ang hindi pina­ngalanan na 15-anyos na estudyante matapos itong mamaril sa Marshall County High School sa Benton, isang maliit na bayan sa Kentucky.

Nakilala ang namatay na estudyante na sina Bailey Nicole Holt at Preston Ryan Cope, parehong 15-anyos.
Ang mga sugatan sa mass shooting ay may edad 14 hanggang 18. Labing apat sa suga­tan ay mga lalaki habang anim naman ang babae.­

“The incident began at 7:57 am (1357 GMT) when a 15-year old student armed with a handgun entered the high school and started shooting,” ayon kay Kentucky State Police Commissioner Rick Sanders.

Agad naman na itinawag sa 911 emergency­ call ang pamamaril ng estu­dyante at dakong alas-8:06 ng umaga ay dumating ang first responders.

“The suspect was apprehended by the sheriff’s office officer that was the first to arrive,” ayon kay Sanders. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More