Una sa Balita

High school broadcasting team patok sa FB

0 408

Balak ng grupo ng high school student sa Borongan City na magtrabaho sa media industry matapos maging viral sa social media ang broadcast nilang ‘Radyo Express Balita.’

Umani ng milyon-milyong likes at shares sa Facebook ang broadcast ng koponan ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Ang video ay kinuha habang nag-eensayo ang koponan para sa Regional Secondary Schools Press Conference noong Disyem­bre 2018.

Binuo ang kanilang grupo mula sa mga estudyante ng eskuwelahan sa pamamagitan ng paligsahan.

Hindi inaasahan ng grupo na mag-viral ang kanilang video kaya’t nagpapasalamat sila sa mga nagbigay ng positibong komento.

Ilan sa mga netizen ang nagsabing ituloy nila ang pag-aaral ng journalism o broadcasting sa kolehiyo upang sa gayon ay makapasok sila sa media industry.

Ngunit ayon sa estud­yanteng si RJ Alconaba, wala pa silang desisyon kung ano ang papasuking propesyon sa hinaharap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy