High ranking official ng BIFF patay sa Maguindanao

By

Patay ang isang high ranking official ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isa pang kasamahan nito matapos manlaban sa isinasagawang operasyon ng awtoridad sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ang napatay na rebelled na si Raul Angkay, medical officer ng BIFF at isang Edz Angkay Dalending.

Ayon sa public affairs chief ng 6th Infantry Division na si Capt. Arvin Encinas, isang joint operation ng Maguindanao Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) ang ikinasa laban sa mga suspek sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak.

Nanlaban umano ang mga suspek kaya nagkaputukan.

Isang kalibre .45 pistol, granada, anim na cellphone at mga bala ang narekober sa encounter site.

SHARE