Una sa Balita

High profile inmates ililipat sa isla ng Cavite o Tanay

By
0 170

Plano ng bagong pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa military facility ang 19 na tinaguriang “high profile inmates” sa isla ng Cavite o Tanay.

Ayon kay incoming BuCor Director Major General Alexander Balu­tan, ilan sa mga nakikitang posibleng maglipatan na mga high profile inmates sina Herbert Colangco, Jayvee Sebastian at Peter Co.

“Mayroong possibility na ilipat sila. ‘Yung 19 na high profile, tinitingnan namin ang possibility, at binisita na nga namin at nagkaroon kami ng inspection doon sa ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) detention center at saka doon sa Tanay at maaari ring gamitin ‘yung Caballo Island sa Cavite,” ayon kay Balutan.

Giit ni Balutan na ipa­tutupad niya ang kamay na bakal sa loob ng bilangguan at kailangan tuluyan nang wakasan at matigil na ang ilegal na gawain at katiwalian sa loob sa pamamagitan ng paghiwalay sa mga ito.

“We have to break the culture of violence and corruption. Hindi natin mabe-break ‘yan kung hindi natin sila mapapaghiwa-hiwalay,” giit pa ni Balutan.

Nabatid, na nasa 23,000 inmates ang nakakulong sa NBP, samantalang ang nagbabantay lamang ay mahigit sa 900 prison guards.

Sinabi pa ni Balutan, sa kanyang pag-upo ay ipatutupad din niya ang “one strike policy” sa mga kawani ng NBP, lalo na sa mga prison guard, ibig sabihin kapag isang beses na nagkasala ay kaagad parurusahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy