Una sa Balita

Higanteng tilapia nabingwit sa Malacañang estero

0 377

NABINGWIT ng mga ri­ver warrior ng Pasig Ri­ver Rehabilitation Commission (PRRC) ang isang higanteng tilapia kamakalawa nang umaga sa Estero de San Miguel sa Maynila. Ayon sa Facebook post ng PRRC, nasa 20.5 inches ang haba ng tilapia na tumitimbang ng tatlong kilo.

Sinabi ng PRRC, patunay lamang ito ng positibong pagbabago ng ilog dahil sa pagtutulungan na buha­yin at pangalagaan ang mga ilog.

“Ipagpatuloy natin ang mga mabubuting gawain na ito at tiyak na bibiyayaan tayo ng ating kalikasan,” ayon sa PRRC.

Kamakailan ay inalis ng PRRC ang mga informal settler sa mga estero sa Maynila at nilinis ang mga ito mula sa tambak na basura. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy