Una sa Balita

Higanteng jellyfish naispatan sa UK

0 271

Isang jellyfish na kasing laki ng tao ang naispatan ng mga diver sa karagatan ng England.

Ang higanteng barrel jellyfish ay nakita ng broadcaster at biologist na si Lizzie Daly malapit sa Falmouth.

Alam ni Daly na malalaki ang barrel jellyfish pero ngayon lang siya nakakita ng kasinglaki ng tao.

Ang barrel jellyfish ang pinakamalaki sa species ng jellyfish pero bihirang maispatan sa dagat ang kasinglaki ng tao.

Umaabot lang sa isang metro o 3.2 talampakan ang tipikal na barrel jellyfish pero ang nakita ni Daly ay halos doble sa normal na laki nito.

Natiyempuhan ni Daly ang higanteng jellyfish habang abala sa kanyang kampanya para sa “Wild Ocean Week”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy