Una sa Balita

Hidilyn tablado ang ‘BF’, pokus sa Tokyo Olympics

By
0 537

KAUUWI pa lang sa Pilipinas at hindi pa halos nagpapahinga ay nakatutok na agad si Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz sa malaking event na 2020 Tokyo Olympics.

Nag-uwi ng gintong medalya ang Zamboanga native dahil sa pagkapanalo nito sa weghtlifting competition.

Dumating Martes nang gabi ang 27-an­yos, sinalubong siya ng mga sports official at ng kanyang mga magulang at tumungo sa Presidential lounge sa Terminal 2 para sa press conference kasama ang Philippine women’s golf team na sumikwat din ng medalyang ginto.

Dahil sa tagumpay ay malaking insentibo na naman ang naghihintay kay Diaz, hihigit ito sa P6M dahil inaa­sahang madaragdagan pa ito.

Ayon pa sa 2016 Rio Olympics silver medalist, marami siyang gustong itayong business pero magiging abala ito sa kanyang preparasyon para sa Olympics kaya naman gagamitin na muna ang makukuhang prem­yo sa kanyang mga trai­ning.

“Marami talaga akong gustong gawin, gusto ko magkaroon ng coffee shop at gyms pero sa ngayon ay hindi ko magagawa kasi kailangan kong mag-prepare for Olymics,” saad ni Diaz. “‘Yung ibang napanalunan ko ay gagamitin ko sa preparation ko for Tokyo Olympics.”

Nang tanungin naman sa kanyang lovelife o personal na buhay, inamin niyang may boyfriend siya.

“Yes po, may boyfriend po ako,” aniya, ngunit sinabing prayoridad sa ngayon ang trai­ning bago ang lovelife.

“Suwerte ako sa boyfriend ko kasi naiintindihan niya ko at naiintindihan niya na hindi siya, ‘yun pong priority ko, at ang weightlifting po talaga ang priority ko and Philippines, to represent the Philippines.”