Una sa Balita

Hidilyn gusto nang mabuntis!

0 400

BUKOD sa ginto ay asam ni gold medallist Hidilyn Diaz na magkaroon din ng magandang pamilya at mga blessing na anak.

“Sana makuha ko, o kini-claim ko na makuha ko ‘yung gold medal sa Olympics. Then after that magkakaroon ng baby, mag-settle,” sabi ng small but terrible na weightlifter.

Ito ang kanyang inihayag sa ‘Magandang Buhay’ Huwebes nang tanungin kung ano ang plano pagkatapos ng 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Pero giit naman niya, mas pokus siya sa kanyang passion na weightlifting at alam naman ng kanyang nobyo na ito ang first love ng 28-an­yos na weightlifter.

“Masyado kasi akong focused. Alam niya na ang priority ko talaga ngayon ay weightlifting talaga,” pahayag ni Hidilyn. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More