Una sa Balita

Hidilyn, 6 pa sasabak sa Olympic qualifying

By
0 181

SISIMULAN ni Rio De Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz kasama ang anim na iba pang weightlifters na mga sasabak sa iba’t ibang weight category ang makapagkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsisimula nito sa IWF World Championships na gaganapin si­mula Nobyembre 1 hanggang 10 Ashqabat, Turkmenistan.

Napag-alaman kay national head coach Leonardo Llena na nakatakdang magtungo ang 7 kataong delegasyon ng bansa na una sa anim na kailangang salihan na qualifying tournament ng mga weightlifter para makasungkit ng silya sa bawat kategorya na paglalabanan sa Olympics sa Tokyo, Japan.

“Our athletes need to earn points in all of those six IWF sanctioned events and are qualifying tournament sa 2020 Tokyo Olympics to make it to the needed numbers of athletes based on the required regional representations,” ani Llena.

Pangungunahan ni 2018 Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz ang delegasyon sa pagsabak sa bagong itinakdang kategoryang 55kg. Matatandaan na si Diaz ay kumakampanya sa pinakamababang kategorya na 53kg na itinaas base sa bagong kautusan ng IWF.

Makakasama ni Diaz ang kababata at kapwa miyembro ng national team na si Nestor Colonia at si Jeffrey Garcia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy