Una sa Balita

Hi-tech na CCTV, gawa ng kompanyang Pinoy

By
0 705

MARAMI sa mga CCTV o closed-circuit television camera ay nganga kapag may nagaganap na krimen.

Kaya isang kompanya sa bansa ang gumawa ng paraan upang lubusang mabigyan ng proteksyon ang mga pamilya at negosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Manuel Syquian, Jr., president ng MiGuard, kaya nilang proteksyonan ang mga bahay at business establishment mula sa mga magnanakaw, baha at sunog gamit ang modernong CCTV.

Ang MiGuard Security Alarm System Premium Package ay binubuo ng do-it-yourself (DIY) devices para mahadlangan ang iba’t ibang uri ng krimen.

Sa MiGuard System, mayroon itong 24/7 Command Center na siyang nakatutok sa mga pangyayari sa loob ng bahay at business establishment mula sa wireless o no cord DIY devices.

Lahat ng devices, na maaaring umabot ng 100 devices, ay konektado sa console na may siren, na siyang itinuturing utak ng system.

Gumagana ang siren kapag may na-detect na body heat ang infrared sensor kahit madi­lim sa lugar.

Mayroon din itong water leak sensor, fire o smoke sensor, medical call button sa kaso ng medical emergency at 90-angle camera na may 360 degree view at SOS o panic button sa insidente ng krimen na mag-aalarma sa Command Center para magpadala ng rescue.

Ang subscription sa integrated home security and surveillance system ng MiGuard ay nagkakahalaga ng P504 kada buwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy