Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hester ihaharurot Dyip sa Govs Cup

0 215

KUMPLETO ang piyesa ni Antonio Hester para sa Terrafirma.

Umaasa si coach Johnedel Cardel na sa pagmamaneho ni Hester, makakabiyahe ang Dyip hanggang playoffs ng 46th PBA 2021-22 Governors Cup.

Takdang sumiklab sa Dec. 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig ang season-ending conference na sinahugan ng imports na hindi tataas sa 6-foot-6.

“He’s skilled, athletic and an energy guy,” lahad ni Cardel tungkol sa kanyang reinforcement.

Sumampa na rin sa Terrafirma si veteran playmaker Alex Cabagnot, nakuha pa sina Justin Melton at Kyle Pascual mula Magnolia kapalit ni rookie center James Laput.

Dinatnan nila sina Eric Camson, Aldrech Ramos, Matt Ganuelas-Rosser, Roosevelt Adams.

Inaasahang nakarekober na rin si freshman Joshua Munzon mula sa operasyon na nag-repair sa kanyang kaliwang hinliliit na na-dislocate sa kaagahan ng nakaraang Philippine Cup.

No. 9 ang Terrafirma pagkatapos ng eliminations ng nakaraang torneo sa Bacolor semi-bubble, napagsarhan sa playoffs nang maungusan sa quotient ng No. 8 Ginebra.

Nakaasinta ang Dyip na bumuwelta sa reinforced conference.

Kay Hester magsisimula.

“He can help my team to win and go to the quarterfinals,” panapos na sambit ni Cardel. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.