Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hester halimaw, inararo Bossing

0 202

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:00pm — TNT vs Phoenix

6:45pm — Ginebra vs Meralco

UMARARO si Antonio Hester ng 41 puntos, 13 rebounds, 3 assists 3 steals at 1 steal upang bitbitin ang Terrafirma Dyip sa 109-103 panalo at ipagpatuloy ang pagdurusa ng Blackwater Bossing sa elminasyon ng 2021 PBA Governors Cup, Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ibinuhos ng Dyip ang 18-sunod bomba sa huling limang minuto ng ikaapat na yugto sa pangunguna ni Hester upang burahin ang 10-puntos na paghahabol sa 84-96 tungo sa pagsungkit sa ikalawang panalo sa loob ng anim na laro.

“We’re not the only team desperate to win. We just work on situation, cut the team down by a couple of points, start the rhythm and execute. They know how I worked hard prior to this game. I just worked hard, mentally, physically and emotionally,” sabi ni Hester.

“Doon sa last five minutes, I told them to settle down, and slowly cut down their lead. Sabi ko na lang sa kanila, isipin nila ang sitwasyon ng laro, and they responded,” sabi ni Terrafirma coach Jonhedel Cardel.

Ang kabiguan ay nagtulak naman sa Blackwater sa ikaanim nitong pagkatalo sa torneo at dagdag sa pinakamatagal na kabiguan sa torneo sa 25 sunod na kabiguan na nagsimula noong 2020.

Nag-ambag ang nagbabalik sa injury na si Philip Andreas Cahilig ng 17 puntos, 10 rebounds at 2 assists kasama si Joshua Munzon na may 13 puntos, 4 rebounds, 1 assist at 2 steals. Nagtala din si Juami Tiongson ng 12 puntos, 9 rebounds, 3 assists 1 steal at 1 block. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.