Una sa Balita

Hero’s welcome sa Marawi troops

By
0 86

Isang mainit na pagsalubong o hero’s welcome ang ibinigay ng Philippine Navy dito sa mga sundalong bumalik mula sa limang buwan sagupaan sa ISIS sa Marawi City.

Maging ang mga sibil­yan at pamilya ng mga sundalo ay nagtungo pa sa Zamboanga upang makita ang kanilang mga mahal sa buhay.

Pinaragalan rin nina Rear Admiral Rene Medina, hepe ng Naval For­ces Western Mindanao, at Colonel Ariel Caculitan, commander ng Combat Service Support Battalion, ang mga tropa dahil sa kanilang katapa­ngan at pagpupursige na maibalik ang kapayapaan sa Marawi na nilusob ng ISIS noon Mayo 23.

Ang mga sundalo ay pawang mga miyembro ng 61st at 64th Marine Company ng Marine Special Operations Group, Armor Assault Battalion, Field Artillery Battalion, Shore Patrol Unit ng Naval For­ces Western Mindanao at Civil Military Operations Unit-Western Mindanao. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy