Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heroesdelninetysix wagi sa NPJAI Race

0 57

IPINAKITA ni Heroesdelninetysix ang husay nito sa karera matapos manalo sa Philracom – NPJAI Special Stakes Race Division II na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Linggo.

Galing sa bandang likuran, humabol si Heroesdelninetysix upang lampasan si Super Shelltex sa home stretch at manalo ng may isang kabayo ang agwat sa nasegundong Isla Puting Bato.

Sakay ni veteran rider Jeffrey Bacaycay, nirehistro ni Heroesdelninetysix ang impresibong 1:35.8 (18’24’26 26′) minuto sa 1,500-meter race.

“Ang husay ng pagkakadala ni Bacaycay (Jeffrey) sobra pa nananalo,” saad ni Ricardo Marshal, karerista.

Dumating na tersero si Yana’s Dance, pang-apat si Super Shelltex habang fifth placer si Lovely Julliane sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.