Una sa Balita

Hero Bautista, malinis na sa droga…

By
0 217

Ang Manuel L. Quezon Gawad Para­ngal ang unang public appearance ng aktor at Quezon City District lV councilor na si Hero Bautista. Si Hero ang nakababatang kapatid ni Herbert na kusang-loob na pumasok sa drug rehabilitation center noong August 2016 para wakasan ang pagkagumon niya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Mabuti naman po ako. Working… working good,” ang sabi ni Hero nang kumustahin siya ng Abante matapos makumpleto ang program sa rehabilitation center na tumulong sa kanya para talikuran niya ang bisyo.

“I have to (bounce back). I have to work. I have two kids already.

“I’m getting old. I have to stop childish things and I have to concentrate on my work for my kids. I have to serve the people. I have to motivate myself to be a public servant.

“When I went back sa labas, to my constituents, ang pagtanggap sa akin, mainit. They missed me a lot. They’re looking forward for me to be with them and serve them,” ang sabi ni Hero.

Nang itanong namin ang mga realization niya, sumagot si Hero ng “Marami, natutunan ko ‘yung self-respect, humility and acceptance na I have to bear with myself na kailangan, mag-mature na ako and of course, it’s time for me to concentrate on my kids and of course, my work, serve the public as well and follow the footsteps of my brother.”

Out of curiosity, tinanong namin kay Hero kung may kinalaman ang showbiz kaya sinubukan niya na gumamit ng illegal drugs.

“It’s my personal choice. ‘Yun ang nangyari sa akin, siyempre may dark past so we have to move on and work for the better.

“Nasaktan si Mayor sa mga ginagawa ko and napag-usapan namin. Sabi ko, I’m ready to go in and willing. Voluntary naman ako na pumasok,” ang sagot ni Hero na itinanggi ang balita na kasama ang pangalan niya sa drug list na hawak ng Philippine National Police.

“Hindi totoo ‘yon. Siyempre, I’m in politics so marami ang tsismis na lumalabas,” ang depensa si Hero sa sa­rili, na nagsabi rin na malinis na siya sa droga, at katibayan ang pagtaba nga niya. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More