Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Herlene, Joseph nakakasabik ang pakilig

0 695

Umani ng papuri ang bagong online serye na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask” na pinagbibidahan nina Herlene Budol, Joseph Marco, matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado. Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ring dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata ng nasabing series.

Talaga namang tuloy-tuloy ang pagkasabik nang mapanood sa ikatlong episode na nakatanggap si Malta ng friend request mula sa kanyang crush na si Sieg! Hinikayat naman ni Madam Baby, ina ni Malta, na tanggapin ng dalaga ang friend request at dito na nagsimula ang online friendship ng dalawang bida.

Masaya si Malta na nakakausap na niya ang kanyang crush, pero hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang ma-insecure at makulangan ng lakas ng loob na ipakita ang kanyang mukha kay Sieg. Sa kanilang mga video call, itinatago ni Malta ang buong itsura sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang filters. At, kahit na nasa bahay, palagi pa rin siyang nakasuot ng facemask.

Matapos mapanood ang pinakahuling episode, agad-agad na ibinahagi ng fans kung gaano sila kinikilig at nakaka-relate sa kuwento ni Malta.

Komento ni Olivia Ibatuan, “The story is funny but with a pinch, especially sa mga young ladies ba ipinanganak na di nabigyan ng magandang face. Just like Herlene in the story, masyadong mababa ang confidence sa sarili. Nakakarelate ang narami sa kuwento.”

“Super Ganda ng love ❤️ story para sa akin ❤️😉👏Bigla akong bumata, nakakakilig,” dagdag ni Celia Jane Bartolome. “Hooked na ako sa love story ni Malta at Sieg,” ayon naman kay Nenita Mahmood na talaga namang aliw na aliw sa bagong palabas.

Hindi rin napigilan ni Sean Reyes na kiligin sa kagwapuhan ni Sieg, “Joseph Marco is my ❤️❤️❤️❤️❤️,” na sinang-ayunan naman ni Simply Lovey “Ka gwapo ni Marco makakiliggggggg.” Napahanga naman si Alma Ramos sa husay ng mga aktor at ayon sa kanya “ang galing ni herlene natural ang acting ang pogi ni joseph may chemistry clang dalawa.”

Samantala, mababasa na rin ang kasabikan ng netizens para sa susunod na episodes at hinihiling nila na ilabas na ang mga ito!

Sa ikaapat na episode, magpapatuloy ang online na pag-uusap at pagkakaibigan ni Malta at Sieg. Sa gitna ng pagkakamabutihan, matatakot pa rin kaya si Malta o magkakaroon na siya ng lakas ng loob na ipakita ang buong itsura sa binata?

Patikim pa lamang ‘yan! Abangan ang susunod na mga episode ng “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” tuwing Sabado, 7 PM, sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold. Upang manatiling updated, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow na rin @puregold_ph sa Instagram at Twitter, siguraduhin din na naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.