Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Herlene Budol pasabog ang ‘tempura walk’

0 93

‘Tempura Walk’ kung tawagin ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang kanyang magiging signature walk sa coronation night ng Binibining Pilipinas.

Gusto raw ni Hipon na maging surprise ang pagrampa niya sa coronation night para maihilera siya sa mga naging sikat na signature walk nina Venus Raj (Pilapil Walk), Shamcey Supsup (Tsunami Walk), Pia Wurtzbach (Tanim Bala Walk), at Catriona Gray (Lava Walk).

“Abangan po natin kung ano’ng lalabas sa lakad natin kung tempura ba, hipon or gambas seafood!” natatawang chika ni Hipon, na kasalukuyang napapanood sa teleseryeng ‘False Positive’.

Tulad ng ibang mga candidate, namangha si Hipon sa photo exhibit kunsaan ang glam photo nila sa pageant ang naka-display sa isang mall sa Quezon City.

Kabilang din sa 40 candidate ng Binibining Pilipinas ang Sparkle artist at anak ni Roi Vinzon na si Lala Vinzon na ang gamit na pangalan ay Ma. Isabel David. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.