Una sa Balita

Here you go! Kardemet

0 339

Ganun ba kahirap intindihin ang batas­, at kailangan pang mag-imbento ng mga paratang sa isang opisyal ng Comelec makuha lang ang gusto?

Sa panayam ni Commissioner­ ­Guanzon kay Karen Davila, nilampaso­ niya si Cardema at tinawag itong “stupid” dahil sa pagpipilit nitong makaupo bilang representante ng Duterte Youth Partylist.

Ayon kay Comm. Guanzon, kung hundi niya sinipa ang kanyang asawa at ipinalit ang sarili nya bilang substitute, maaaring makaupo sana ang asawa bilang kinatawan. Ngunit dahil sa pagiging “greedy” ni Cardema ay tila mawawalan pa yata ng representante ang ­partylist at magdulot ito ng pagkadiskwa­­l­i­pikado.

Nagdesisyon na ideny ng en banc ng Comelec, nang dininig nang reklamo ni Cardema, sa kadahilanang sya ay overage.

Ngunit ayaw ­tantanan ni Cardema si ­Guanzon. Bagkus, kung anu-anong paratang ang kanyang sinasabi laban sa Commisioner.­

Sinabi ni Guanzon na bakit di na lang nila ­sundin ang batas at hwag nang baluktutin ito at kung idamay at kaladkarin ang kung sinu-sinong mga tao makuha lang ang nais.

Kundi ba naman talaga kakapalan ng mukha ang igiit ang gustong mangyari ni Cardema. Malinaw na hindi sya kwa­lipikado dahil matanda na siya. ­Mahirap bang intindihin yan?

Marahil nga tumatawag ng pansin sa kataas-taasan para sya ay tulungan na baluktutin ang batas, tutal naga­gawa naman nila ito. Ngunit, halatang-halata ang mani-obrang ito sa kampo ni Cardema. At dahil sa kanyang paratang, na lalu nyang inilulubog ang sarili sa kumunoy, ay lalong wala itong mahihita. Hindi ipinanganak ang ­Commissioner kahapon. Kahit anong paikut-ikot ni Cardema ay di nya mapapalitan ang kanyang edad. Kahit na palitan pa nila ang pangalan ng kanilang partylist. Nagdesisyon na ang en banc. Tapos na ang boksing. Hindi rin muna papatulan ni Guanzon ng pagsasampa ng kaso para lang kumagat sa pain ni Cardema.

Simpleng sagot sa argumento, ­matanda na siya. Hindi ba ito maintindihan? “Cardemet­ naman­, o!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy