Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Herd immunity sa mga Dabawenyo abot-kamay na

0 21

Positibo si Davao City Mayor Sara Duterte na maaabot na ng kanyang nasasakupan ang herd immunity.

Ayon sa lady mayor, kalahating milyon na kasi sa kanilang lungsod ang nabakunahan na kontra COVID-19.

“Good news mga Dabawenyos! Tayo po ay nakalampas na sa kalahating milyon na mga dabawenyong nakapagpa-bakuna ng 1st dose ng anti-Covid-19 vaccine,” saad niya sa kanyang post nitong Lunes.

Aniya, nangangalahati na sila sa kanilang target na mabakunahan, ibig sabihin ay malapit na nilang maabot ang inaasam na herd immunity.

Matatandaang ipinatupad ng alkalde noong Agosto ang curfew at liqour ban sa Davao City na magtatagal hanggang sa katapusan ng taon bunsod ng pangambang sumunod ang kanyang lungsod sa COVID spike na naranasan noon ng Metro Manila at Cebu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.