Una sa Balita

Herbert ididirek ng anak na si Race

0 118

abante-i-know-better-jun-nardoItinabi muna ni Mayor Herbert Bautista ang pagiging Mayor ng Quezon City nitong nakaraang mga araw para pumunta sa graduation ng anak na si Race sa Amerika.

Eh, pagdating sa pagiging­ ama, hindi matatawaran ang kabutihan ni Mayor Bistek dahil priority pa rin niya ang mga anak kahit na nga mga friend na lang ang turingan nila ng mga ina ng mga anak niya.

Pero tuloy pa rin ang public service niya. Sa totoo lang, nitong nakaraang buwan, pinangunahan ni Mayor HB ang groundbreaking para sa bagong kulungan ng mga preso. Magtatapos man ang termino niya next year, marami pa siyang projects na gusto niyang maisakatuparan para sa QC.

Sa isang banda naman, filmmaking ang kurso ni Race. Who knows, baka sa isang project ng Heaven’s Best Entertainment na si Mayor ang bida, may chance na idirek siya ng anak, huh!

Sa ngayon, aktibo rin ang film outfit ng Bautista family na pinamamahalaan ng kapatid niyang si Harlene. Ang latest production nitong Sunset Rainbow ay nasa post production stage na at umaasa ang marami na makakapasa sa panlasa ng Screening Committee ng Metro Manila Film Festival ang movie dahil sa napakagandang script nito.

Sa pelikulang ito, sumalang na pag-arte ang babaeng anak nina Harlene at Romnick Sarmenta na si Zeke.

Luis umeksena sa shooting nina Jessy, Jericho

 

Sumalang na sa unang niyang directorial job kahapon ang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso para sa full length film na Belle Douleur. Bida rito sina Mylene Dizon at Pinoy Big Brother discovery na si Keith Thompson.

Sa Facebook post ni Atty. Joji nakasaad na ‘yung dream lang niyang makapagdirek ay isa nang reyalidad.

“Tomorrow, I shall begin making my 9 year old dream, more tangible and hopefully, in the succeeding days that will follow…a reality. Thank you to everyone who will be joining me in this journey. Cheers to life and to being well and alive to do crazy things!!! #BelleDoueur #Cinemalaya2019.”

Habang nagsu-shooting, tutok din ang Quantum Films producer sa festival entry niyang The Girl in the Orange Dress. Sa pic na pinost niya sa FB, aba, present si Luis Manzano sa shooting ng mga bidang si Jessy Mendiola at Jericho Rosales.

Walang detalye na hinayag si Atty. Joji kung kabilang sa cast o may special participation o bumi­sita lang si Luis sa shooting. Basta sa shout out niya, “My, my, aren’t we Lucky indeed!!! Maraming sa­lamat @luckymanzano!”

Tugon naman ni Luis, “Kayo pa!!!”