Una sa Balita

Herbert atras sa politika?

0 2,838

abante-i-know-better-jun-nardoNanatili si Mayor Herbert Bautista sa kanyang office sa Quezon City Hall hanggang 5PM nu’ng Miyerkoles. Last day of filing ng certificate of candidacy ang nasabing araw pero sa lumang picture na inilabas ng isang staff ni Mayor HB, si Ares Gutierrez, walang naganap na pagpa-file ng certificate of candidacy na ginawa ng QC head.

Kalakip ng litrato na ‘yon ang isang quotation mula kay Mayor Herbert:

“I want to be remembered as a public official who practically grew up serving the people of Quezon City” – Herbert Bautista.

Nagsimula ang political career ng QC Mayor nu’ng Kabataang Barangay Chairman siya. Naging konsehal ng siyudad ng ilang termino, naging Vice Mayor hanggang sa pinamunuan ang siyudad hanggang ngayon.

Sumaludo naman sa kanya ang mga netizen na followers ni Gutierrez.

“Proud of you Mayor HB. God bless you more and thank you for your unselfish service to our city!” – Edna Conda.

“Thumbs up for my boss for a job well done.” – Anilatac Ojecram Oangibac.

“Thank you for serving the City MABUHAY PO KAYO!!!” – Joy Mercado.

Sa totoo lang, pasado rin sa Kongreso o ‘di kaya’y sa Senado si Mayor Bistek sa pagtatapos ng termino niya next year bilang mayor. Pero hindi niya ginawa ‘yon.

Sapat na ‘yung maraming taon niyang paninilbihan sa Quezon City nang ilang dekada. After all, ang kanyang accomplishments ang magsisilbing legacy niya ngayong magiging ordinaryong citizen na siya.

Who knows what’s next kay Mayor Herbert? Eh sa experience niya bilang public servant, marami pang bintanang magbubukas para sa kanya upang ipagpatuloy ang adbokasiya niyang magsilbi sa bayan!

 

Christian memorable ang chikahan sa Korean actress

Ninamnam ni Christian Bables ang pagdalo niya sa nakaraang Busan International Film Festival sa South Korea kung saan nagkaroon ng screening doon ang Chito Roño movie niyang Signal Rock.

Nakadagdag pa ng memorable experience niyang ‘yon ang pagkikita nila na sinamahan ng konting chikahan sa bida ng Boys Over Flowers na si Gu Jan Di.

“It was nice to meet and share a little chat with you about our film. Your interest to know more about the film and your congratulatory message were very much appreciated! And yes, I also hope you can meet my director Chito S. Rono soon!” caption ni Christian sa selfie nila ni Di.

Anyway, isasabak ng bansa sa Best Foreign Language category ang Signal Rock. Bago ‘yon, ipapalabas na next month ang Regal movie ni Christian na Recipe For Love mula sa direksyon ni Joey Reyes.