Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hepe ng Lian police sumalpok sa trak, tepok

0 160

Nasawi ang hepe ng Lian Police sa Batangas matapos na sumalpok ang minamaneho niyang sport utility vehicle (SUV) sa isang ten wheeler truck sa bayan ng Taal kahapon ng hatinggabi.

Idineklarang dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery si PMaj. Amiel Bernardo Sanhi, residente ng Brgy. Calicanto, Batangas City makaraang magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa report, patungo ang biktima sa Batangas City sakay ng kanyang Isuzu Mux nang tangkain umano nitong mag-overtake sa sinusundang 10-wheeler truck sa national highway sa Brgy. Tulo sa bayan ng Taal bandang alas-12:50 ng hatinggabi.

Gayunman, may bumulaga umanong sasakyan sa kasalubong na linya kaya pinilit ng biktima na pumasok sa kabilang linya pero sumabit ito sa tagiliran ng trak at nakaladkad ito.

Nasa kostudiya na ng Taal police station ang 29-anyos na truck driver na si Salvador Segfred, ng Jose Panganiban, Camarines Norte at resi­dente ng bayan ng Lemery. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.