Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hepe ng Jolo police sibak sa pagkamatay ng 4 sundalo

0 760

Sinibak na sa puwesto bilang hepe ng Jolo Municipal Police Station (MPS) si Police Lt. Col. Walter Annayo dahil sa pagkakapatay sa apat na sundalo na pinagbabaril ng siyam na pulis noong Lunes ng hapon.

Ayon kay Police Brig. General Manuel Abu, Police Regional Director ng Bangsamoro Autonomous Region, inalis sa puwesto si Annayo dahil sa command responsibility sa mga pulis niya na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo.

Ipinalit sa kanya si Police Lt. Col. Filmore Calip na dating hepe ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Jolo, habang nasa floating status si Annayo.

Nasa kustodiya na ng Sulu Police Provincial Office ang siyam na pulis na nakilalang sina P/SSgt. Almudzrin Hadjaruddin; mga Patrolman na sina Alkalaj Mandangan, Rajiv Putalan, Moh Nur Pasani; PSMS. Abdelzhimar Padjiri, PMSg. Hanie Baddiri, PSSg. Iskandar Susulan, Ernisar Sappal, at PCpl Sulki Andaki at handa para ipatawag anumang oras sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.