Una sa Balita

Hepe ng Baguio police timbog sa entrapment

0 373

INARESTO ang hepe ng Baguio City Police Office-Intelligence Unit (BCPO-IU) matapos itong mahuli sa entrapment operation sa isang restaurant sa Baguio City noong Lunes.

Kinilala ng BCPO ang suspek na si PLt. Col. Allan Docyogen, nakatalaga sa BCPO-IU, ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang complai­nant (na hindi na binanggit ang pangalan) ang tumawag at sinabing isang P/Lt. Col. Docyogen ang nag-demand ng P50,000 matapos siyang mahuli (complainant) sa kasong robbery.

Ayon sa salaysay ng complainant, sinabi ni Docyogen na dapat na magbigay siya ng pera para hindi siya tuluyang makulong, hindi masampahan ng kaso at hindi ma-salvage.

Dahil sa sumbong, nagsagawa ng entrapment operation ang Phi­lippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) laban kay Docyogen sa loob ng Daddy’s Restaurant, 101 MS Florencio Bldg., Baguio City.

Agad na pinosasan si Docyogen sa aktong tumatanggap ng suhol na pera sa isang underco­ver agent ng PNP-IG.

Dinala si Docyogen PNP-IG at sasampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy